Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan. Santiago 1:27
Dalawin ang mga ulila (fatherless in english version) - di ba sila yung walang Ama? Sino yung magulang o Ama nating lahat? Paano natin madadalaw ang iba kung hindi natin kilala? Mahalaga na makilala natin bago ipakilala sa iba.
babaing balo (widow in english version)- walang asawa, sabi sa Isaiah 54:5-- Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay iyong asawa; ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siya.
Dalawin sila sa kapighatian kasi hindi nila kilala ang Ama.
👉Sa maiksing salita, ang dalisay na relihiyon ay makilala natin ang ating Ama na Siya rin nating asawa. At pagingatan maging malinis sa pagkakilala sa paglakip at pagsunod sa utos Niya at hindi makiayon sa gawa ng sanglibutan. Ngayon, paano natin makilala? Sa pamamagitan ng pagsusuri, pagbabasa at paghingi ng unawa at gabay sa Kanya.
No comments:
Post a Comment