Monday, November 19, 2018

Ano ang aral ni AKO NGA?

Ang aral ni AKO NGA ay tungkol sa ILAW o BUHAY na nasa bawat tao. Layunin nitong ipahayag ang Diyos na nasa atin at kaligtasan ng kaluluwa.


WALA ITONG PANGALAN NG SAMAHAN = Santiago 1:27 – Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan. 


WALA ITONG PINUNO O NAMUMUNO = Mateo 23:8-9 – 8Datapuwa't kayo'y huwag patawag na Rabi: sapagka't iisa ang inyong guro, at kayong lahat ay magkakapatid. 9At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit. 


WALA ITONG SIMBAHAN O BAHAY = Hebreo 3:6 – Datapuwa't si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan.

I Corinto 3:16-17 - 16Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo? 17Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo. 


WALA ITONG PERAHAN O ABULOYAN = Mateo 10:7-8 – 7At samantalang kayo'y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang kaharian ng langit ay malapit na. 8Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.




ANG PUHUNAN MO MAGPALAWAK NG KAUNAWAAN UKOL SA ESPIRITU.

No comments:

Post a Comment