Tuesday, November 27, 2018

Cristo na nasa atin

Cristo na ating Buhay


Siyasatin ang sarili


Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y itinakuwil na.
2 Corinthians 13:5

Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya.
1 Corinthians 12:27

Sapagka't tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan.
Ephesians 5:30

Na sa kanila'y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil, na ito'y si Cristo na nasa inyo, na pagasa ninyo sa kaluwalhatian:
Colossians 1:27

Pagka si Cristo na ating buhay ay mahayag, ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kaluwalhatian.
Colossians 3:4

Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios:
1 John 4:2


Si Cristo ay nasa atin, sapagka't siya ang ating buhay. Kaya tayo nabubuhay, gumagalaw at humihinga.

Cristo - espiritu ng Diyos na na kay Jesus na nasa atin din.
Jesus - laman na pinaglagyan ng salita o verbo upang maipakilala ang Ama.


Diyos ay ilaw o buhay


Diyos ay ILAW. Siya ang iyong BUHAY.



At ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo'y aming ibinabalita, na ang Dios ay ilaw, at sa kaniya'y walang anomang kadiliman.
1 John 1:5

Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.
John 1:4

Samantalang nasa inyo ang ilaw, ay magsisampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw. Ang mga bagay na ito'y sinalita ni Jesus, at siya'y umalis at nagtago sa kanila.
John 12:36

Na iyong ibigin ang Panginoon mong Dios, na sundin ang kaniyang tinig, at lumakip sa kaniya: sapagka't siya ang iyong buhay, at ang kalaunan ng iyong mga araw; upang matahanan mo ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila.
Deuteronomy 30:20

Diyos=Ilaw=Buhay

Ngayon, maging ilaw tayo.


14Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago. 16Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit. 
Mateo 5:14,16

Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan,
Filipos 2:15

Sunday, November 25, 2018

Templo ng Diyos na Buhay


Saan ba ang tunay na templo ng Diyos?

1At paglabas niya sa templo, ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Guro, masdan mo, pagkaiinam ng mga bato, at pagkaiinam na mga gusali!
2At sinabi ni Jesus sa kaniya, Nakikita mo baga ang malalaking gusaling ito? walang matitira ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na di ibabagsak.
Mark 13:1-2
19Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Igiba ninyo ang templong ito, at aking itatayo sa tatlong araw.
20Sinabi nga ng mga Judio, Apat na pu't anim na taon ang pagtatayo ng templong ito, at itatayo sa tatlong araw?
21Datapuwa't sinasalita niya ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan.
John 2:19-21
48Bagama't ang Kataastaasa'y hindi tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; gaya ng sinasabi ng propeta,
49Ang langit ay ang aking luklukan, At ang lupa ang tungtungan ng aking mga paa: Anong anyo ng bahay ang itatayo ninyo sa akin? sabi ng Panginoon: O anong dako ang aking pahingahan?
50Hindi baga ginawa ng aking kamay ang lahat ng mga bagay na ito?
Acts 7:48-50

Hindi pala tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay.
16Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?
17Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.
1 Corinthians 3:16-17
O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili;
1 Corinthians 6:19

Tayo (tao) ang templo.
 
Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia;
Colossians 1:24
Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya.
1 Corinthians 12:27

Wednesday, November 21, 2018

Dios na hindi kilala

Kilalanin ang hindi kilala



23Sapagka't sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong 👉sinasamba sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo'y ibinabalita ko.👈
24Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, ay 👉hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;👈
25Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siya'y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;
27Upang kanilang hanapin ang Dios baka sakaling maapuhap nila siya at siya'y masumpungan, bagaman 👉hindi siya malayo sa bawa't isa sa atin:👈

Acts 17:23-25,27

Nasaan Siya?

👉Hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay.
Hindi baga ninyo nalalaman na 👉kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?👈

1 Corinthians 3:16

Ano ang Kaniyang pangalan?

Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? 👉Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman?👈

Tuesday, November 20, 2018

Kaharian ng Dios

Nasaan ang kaharian ng Diyos? 



Hanapin natin habang may panahon pa.

Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit:
Isaiah 55:6

Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin; at yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan ako.
Proverbs 8:17

At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.
Jeremiah 29:13

Kaharian

20At palibhasa'y tinanong siya ng mga Fariseo, kung kailan darating ang kaharian ng Dios, ay sinagot niya sila at sinabi, Ang kaharian ng Dios ay hindi paririto na mapagkikita: 21Ni sasabihin man nila, Naririto! o Naririyan! sapagka't narito, ang kaharian ng Dios ay nasa loob ninyo. 

Lukas 17:20-21


Nasa loob pala natin. Hindi ito tumutukoy sa mga lamang panloob natin. Ating suriin.

Monday, November 19, 2018

Ano ang Relihiyon?




Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan. Santiago 1:27

 

Dalawin ang mga ulila (fatherless in english version) - di ba sila yung walang Ama? Sino yung magulang o Ama nating lahat? Paano natin madadalaw ang iba kung hindi natin kilala? Mahalaga na makilala natin bago ipakilala sa iba.

babaing balo (widow in english version)- walang asawa, sabi sa Isaiah 54:5-- Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay iyong asawa; ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siya.

Dalawin sila sa kapighatian kasi hindi nila kilala ang Ama.

👉Sa maiksing salita, ang dalisay na relihiyon ay makilala natin ang ating Ama na Siya rin nating asawa. At pagingatan maging malinis sa pagkakilala sa paglakip at pagsunod sa utos Niya at hindi makiayon sa gawa ng sanglibutan. Ngayon, paano natin makilala? Sa pamamagitan ng pagsusuri, pagbabasa at paghingi ng unawa at gabay sa Kanya.

Ano ang aral ni AKO NGA?

Ang aral ni AKO NGA ay tungkol sa ILAW o BUHAY na nasa bawat tao. Layunin nitong ipahayag ang Diyos na nasa atin at kaligtasan ng kaluluwa.


WALA ITONG PANGALAN NG SAMAHAN = Santiago 1:27 – Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan. 


WALA ITONG PINUNO O NAMUMUNO = Mateo 23:8-9 – 8Datapuwa't kayo'y huwag patawag na Rabi: sapagka't iisa ang inyong guro, at kayong lahat ay magkakapatid. 9At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit. 


WALA ITONG SIMBAHAN O BAHAY = Hebreo 3:6 – Datapuwa't si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan.

I Corinto 3:16-17 - 16Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo? 17Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo. 


WALA ITONG PERAHAN O ABULOYAN = Mateo 10:7-8 – 7At samantalang kayo'y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang kaharian ng langit ay malapit na. 8Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.




ANG PUHUNAN MO MAGPALAWAK NG KAUNAWAAN UKOL SA ESPIRITU.