Monday, December 3, 2018

Bagay na hindi nangakikita


 Magsitingin sa mga bagay na hindi nangakikita



Ang salita ng Diyos ay sadyang malalim at mahiwaga. Kaya di na natin kailangan ng mababaw na salin dahil maiiba ang kahulugan ng salita. Paganahin natin ang ating unawa na panglangit o ukol sa espiritu at hindi yung ukol sa lupa upang ating maalaman o matuklasan ang hiwaga at makilala ang Diyos na nasa atin din.

-----------
Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay 👉sinisiyasat ayon sa espiritu.👈

1 Corinthians 2:14


Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang 👉magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.👈

John 4:24


Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay 👉pawang espiritu, at pawang buhay.👈

John 6:63


Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa 👉mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.👈

2 Corinthians 4:18
----------------
Para malaman natin ang malalalim na bagay ng Diyos, gamitan natin ang kaunawaang panlangit hindi yung ukol sa sanglibutang ito. Ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan. Ginawa ang mga ito upang maging halimbawa sa atin. Ituon natin ang ating pag iisip sa mga bagay na pang walang hanggan, yaong hindi nangakikita.
 

Sunday, December 2, 2018

Diyos ay Espiritu


Magsisamba sa espiritu at katotohanan





23Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.
24Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.
John 4:23-24

Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
John 14:17

Na sa kaniya'y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.
Ephesians 2:22

12Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios.
13Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.
1 Corinthians 2:12-13

Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.
John 6:63

Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan.
2 Corinthians 3:17

Kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan. Kaya huwag tayong pasakop sa mga sekta bagkus pasakop tayo sa Panginoon. Hanapin natin Siya, ating masusumpungan kung hahanapin nang buong puso.