Magsitingin sa mga bagay na hindi nangakikita
Ang salita ng Diyos ay sadyang malalim at mahiwaga. Kaya di na natin kailangan
ng mababaw na salin dahil maiiba ang kahulugan ng salita. Paganahin natin ang
ating unawa na panglangit o ukol sa espiritu at hindi yung ukol sa lupa upang
ating maalaman o matuklasan ang hiwaga at makilala ang Diyos na nasa atin din.
-----------
Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay 👉sinisiyasat ayon sa espiritu.👈
Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay 👉sinisiyasat ayon sa espiritu.👈
1 Corinthians 2:14
Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang 👉magsisamba sa espiritu at sa
katotohanan.👈
John 4:24
Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang:
ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay 👉pawang
espiritu, at pawang buhay.👈
John 6:63
Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi
sa 👉mga bagay na
hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan;
datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.👈
2 Corinthians 4:18
----------------
Para malaman natin ang malalalim na bagay ng Diyos, gamitan natin ang kaunawaang panlangit hindi yung ukol sa sanglibutang ito. Ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan. Ginawa ang mga ito upang maging halimbawa sa atin. Ituon natin ang ating pag iisip sa mga bagay na pang walang hanggan, yaong hindi nangakikita.